Facebook post tungkol sa bahay
 

Yung mga nag-post sabay sabi na may krimen ay mga sinungaling, dahil walang ganoong nangyari sa bahay na ito. Sabi pa ng iilan, hindi raw nila tinapos ang panonood dahil may mutilation na nangyayari. May mga komento pa nga na dahil sa kalumaan ng bahay ay may mga multo rito.

May nagsasabi rin na ang bahay na ito ay nasa Pilipinas lang at matatagpuan sa Quezon. May mga istorya pa na may magkakaibigang naligaw at diyan sa bahay na iyan pinatay.

Pero ito ang totoo: ang larawan ng bahay na iyan ay kinuha lang sa internet para gawan ng nakakatakot na kuwento upang pumukaw sa kaisipan ng mga netizen at mag-trend. Ang larawang ito ay kuha ni Ioanna Sakellaraki, isang visual artist mula sa Greece. Isa ito sa mga litratong kinuha niya noong nag-explore siya sa Detroit, Michigan—partikular sa neighborhood ng Grixdale kung saan maraming abandonadong bahay dahil sa deindustrialization.

Post a Comment

The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of ViralPhilippines.blogspot.com. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

أحدث أقدم