Kahit saan ka maglakad, sa mga bahay o sa mga mall, makikita mo ang mga Pinoy na may mga alagang aso. Ayon sa Rakuten Insight, 67% ng populasyon ng Pilipinas ay nagmamay-ari ng alagang aso. Dahil dito nangunguna ang Philippines sa mga bansang may mga taong nag-aalaga ng aso sa Asya.
Noong 2021 umabot ng 17 million na mga aso sa bansa. Tatlong unang dahilan kung bakit nag-aalga ng pet ay para mabawasan ang stress, magkaroon ng kasama, at maging secure.
Kaya kung naghahanap ka ng bagong matalik na kaibigan? Ang mga lahi ng aso na to na paborito ng mga Pinoy ay maari mo ring aalagaan.
Pug
Ang dog breed na ito na maliit at may kulubot na pagmumukha ay pinaniniwalaang nagmula sa Tsina na mahigit 2,000 taon na ang nakalilipas. Noong 16th na siglo dinala ito sa Europe hanggang sa lumaganap ito sa buong mundo. Mapaglaro, masiyahin at mapagmahal ang asong ito, pero pag kulang sa ehersisyo minsan topakin.
German Shepherd
Ang asong ito ay originally bini-breed na pang pastol ng mga tupa mula sa mga ibat-ibang uri ng pang pastol na mga aso noong 1899 sa Germany. Kalaunan naging family companion na din dahil ito ay matalino -madaling i-train, loyal at lalo na bilang bantay na aso dahil napaka-protective nito sa amo.
Poodle
Ang kakaibang mabalahibong aso na ito ay na-develop mula sa mga water dogs. Hindi madaling malalagas ang kanilang balahibo kompara sa ibang aso na may mga makapal na balahibo. Mapaglaro at mapagmahal din ang aso na ito. Makikita sila lage sa mga dog show dahil sa kanilang balahibo, trinability at pagkamatalino.
Labrador Retriever
Katulad ng Poodle, mula din sa waterdog ang asong ito. Ito ay breed mula sa extinct na St. John's water dog. Magaling silang lumangoy at magandang kasama sa paglalaro sa labas lalo sa dalamapasigan. Magandang kasama sa bahay dahil loyal at mabait na aso. Medyo intimidating ang dating dahil may kalakihan pero palakaibigan.
Golden Retriever
Ang masayahing aso na ito ay mula din sa mga waterdog. Magaling sa paglangoy at outgoing tulad ng Labrador Retriever. Pag kumawag ang buntot parang walang katapusan na senyales ng magandang disposisyon - laging masaya. Maganda siyang bahay aso kompara sa Labrador na napaka outgoing at puno ng lakas.
Siberian Husky
Paborito ng mga Pinoy dahil sa makakapal na mga balahibo, asul na mata, parang lobo at playful. Kahit sa sobrang enerhiya mayroon ang mga aso na ito, hindi naman sila angkop sa Pilipinas dahil sila ay nababagay sa mga sobrang malamig na lugar. Kaya yung mga may aircon lamang ang pwede mag-aalaga nito.
Chihuahua
Kilala sa kanilang pagiging maliit, matapang at walang kinakatakutan. Laging alerto at parang laging galit pero loyal sa amo. Magandang taga-bantay kung may estranghero kasi alerto at tumahol agad pag may napansing kakaiba.
Pomeranian
Cute na mala kumiho ang tenga ang isa sa dahilan kung bakit magandang mag-alaga ng Pomeranian. Katulad ng Chihuahua napaka alerto din ng asong ito at gustong laging maglalaro. Takot maiwan ng amo kahit saglit. Medyo maingay kaya dapat may proper training kung paano makipag-communicate. Ang isa din sa kagandahan sa pag-aalaga nito ay hindi malakas kumain.
Chow chow
Parang pinapaliit na Tibetan Mastiff. Ang Pinaka-kapansin-pansin na parte ng katawan ng asong ito ay yung sa bandang leeg na parang Leon dahil sa mga balahibo na nakapalibot nito - parang mane ng Leon. Mapaglaro naman at loyal sa amo pero hindi sa mga estranghero. Kailangan lang habang batta pa ay sanayin na makipag socialize sa mga tao.
Shih Tzu
Pinakapaborito ng mga Pinoy kahit saan ka man magpunta may mga tao kang makikitang may Shih Tzu. Parang nagayuma ang mga Pinoy kung makakakita nito dahil sa mga matang nangungusap at mukhang laging nakangiti. Behave na at likas pa na palakaibigan.
Ayon sa HouseholdQuotes ang breed na ito ay pinakapaborito sa Pilipinas.
“A special mention goes to the Shih Tzu, who makes his only appearance in the Philippines. This homely little fellow is originally from Tibet, and developed as a cross between the Lhasa Apso and other Chinese imperial breed,”
Aspin
Harmless na mga aso di nangangagat 🛒Shopee: https://shope.ee/503qpUZ6Ke
Posted by Viral Philippines on Saturday, May 20, 2023
0 Comments
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of ViralPhilippines.blogspot.com. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.