Kung napanood mo ang pelikula ng The Passion of The Christ, may scene doon na creepy panoorin dahil habang pinaghagupit Si Jesus, dumadaan si satanas na may kargang deformed na bata. At yung bata na karga niya ay may balahibo pa sa likod. Nakakakilabot panoorin.

Bakit kaya may ganoong eksina ni wala naman sa bible ang ganung pangyayari? Kung ang parte ng pelikula na yun ay isang simbolismo, ano naman kaya ang ibig sabihin?

Ayon sa Katolikong Facebook page na Aral Katoliko, ang ibig daw sabihin ng eksinang yun ay ipinakita ni satanas kay Hesus na kaya niyang alagaan ang kanyang anak habang ang Dios ay hinayaan Siyang pinahihirapan.

- For those who didn't understand the meaning of this scene:

Jesus Christ is being flogged and Satan shows up with "a baby" to prove to Jesus that even "Devil" takes care of his son, while God allows him to be brutally tortured.

Whoever carries the old child is Lucifer and has androgenic appearance since angels have no sex.

Very strong scene. 

Ayon naman sa mga nagkomento, ito daw ay panlalait sa Birheng Maria at sa batang Jesus.

Sa Christianity Today ng nakapanayam ang publicist ni Mel Gibson, ayon kay Mel:

it’s evil distorting what’s good. What is more tender and beautiful than a mother and a child? So the Devil takes that and distorts it just a little bit. Instead of a normal mother and child you have an androgynous figure holding a 40-year-old ‘baby’ with hair on his back. It is weird, it is shocking, it’s almost too much—just like turning Jesus over to continue scourging him on his chest is shocking and almost too much, which is the exact moment when this appearance of the Devil and the baby takes place

Conclusion

Kaya pala may dala-dalang kasuklam-suklam na bata si satanas ay para laitin si Kristo. Habang si Kristo ay malupit na pinahihirapan, kinukutya siya ni satanas na parang pinaiingit na may karga itong anak na hindi pinapabayaan habang Siya ay nagdurusa na walang Dios na tumulong.

Mini Saint Statues ❤️‍🔥 🛒Shopee: https://shope.ee/6ANmOifmUS

Posted by Viral Philippines on Tuesday, March 26, 2024